Friday, November 6, 2009

Pansin

Ako'y umupo sa isang kainan,
nakatingin sa mga nagkakainan.
'Di naman ako natatakam,
may nasagi lang sa aking isipan.

Sadyang kay dami ng tao,
ginagawa nila'y kung anu-ano.
Halika't pagmasdan mo,
bawat isa'y tila may sariling mundo.


Naagaw aking pansin,
nitong bagong dating.
Bakit ganyan makatingin,
naaninag sakanyang salamin.
Maglakad ay taas noo,
akala mo naman kung sino.
Hoy! Tang-ina mo,
'di lang ikaw ang gwapo.

Hetong naka-uniporme,
siya namang panay magsilbi.
Kay sipag naman nire,
apir tayo pare!

Hayun sa kabila si ate,
siya din ang di-pagpirme.
Nilinis pwesto ng erehe,
ng wala itong masabi.

Siya namang bata,
sarap na sarap sa pag nguya.
Pag-hinay lang iha,
malaman pa 'yang hita.


Kapagdaka'y napatingala,
sa hangin ako'y natulala.
Bakit ganito Bathala,
ano ba aking gantimpala?
Sa pagpansin sa bawat tala,
ako ba'y may mapapala?

'Di ko na maisa-isa,
higit sa isdang nakabanyera.
Tama na aking mata,
baka ika'y ma-malikmata.

Nariyan na ang pagkain,
yun nalang ang yariin.
Mag handa ng lamunin,
tiyan sya nalang bubusugin.
'Wag nalang isipin,
Mga taong kulang sa pansin.
Hamu na't ito'y tiisin,
ako nalang ay kakain