Tuesday, November 3, 2009

Nane Quoy

Nang makilala ay ikaw,
ngalan mo'y sadyang sumilaw
Ako yata'y dinadalaw,
ni kupido araw-araw

Ngunit sa iyong pag-ayaw,
mundo tila ba'y magugunaw
Saakin biglang pumukaw,
baka sa aki'y bulag ka raw

Gusto kong sumigaw,
nais kong humiyaw
Bakit sa 'king balintataw,
Ikaw ang lumilitaw

Nais ng pumanaw,
dahil puso'y nalulusaw
Matang 'di bulagaw,
ikaw parin ang siyang tinatanaw.