'Di na sana nagbantang kausapin,
sapagkat sakanya'y may umaangkin.
Ngunit tanging sadya'y kaibiganin,
may masama ba sa aking gagawin?
Akala ko'y hindi nya papansinin,
ang alok kong mukhang babalewalain.
Nagulat nalang ng kamay ay pilit abutin,
'di sukat isipin ito pala'y tatanggapin.
Lumipas ng mabilis ang mga umaga,
kasabay niyon ang masinsinang pagkilala.
Nagkamali ang aking mga hinuha,
siya pala ay tulad ng hulog ni Bathala.
Minsan ako'y nagising na lamang,
pangalan nya sa puso ko'y bigla nalang.
Tama ba ang aking nararamdaman?,
o pipilitin ko nalamang kalimutan?
Akala'y sa akin lang ang may nilalaman,
puso nya pala'y akin ding napunan.
Nadarama'y hindi kayang pigilin,
ngunit 'di ba'y nabanggit ko siya'y may bituin?
Kaya dapat pigilan ang pusong naghahangad,
pagka-kaibigan na lamang ang dapat malantad.
Ayaw man sa akin ay ikaw'y sumibat,
subalit sakanya talaga puso mo'y nararapat.