Pansin mo ba kailan aking huling likha,
sapat na patunay isip biglang nadukha.
Walang halos mapalawak ni isang paksa,
nilisan ng katalinuhan-kaya sarili'y nagluluksa.
Ngunit 'di lingid sa likod ng isip,
likas, siya'y namamahinga't nananaginip.
Humanda ka't hahagupit ang kanyang ihip,
upang matugunan ang 'yong sariling sabik at naiinip.
Ngunit may banta sakanyang pagbabalik,
may natuklasang isang bagay na kahindik-hindik.
Na ang mga tula'y may bahid ng saltik,
inaalayan'y lumilisan sa paraang pa-wisik-wisik.
Napuna ng aking kahusayan,
sa mga katha kong may nilalaman.
Bawat taong hinandugan,
sila'y patuloy akong iniwanan.
Sumpa- 'yan aking biglang nagunita,
sa paraang alam ko'y duon nananalanta.
Wala man lang pinahayag na banta,
mambabasa ko tuloy todo sampalataya.