Nakakalito ang mga tao,
status nila'y pabago-bago.
Hindi ba't nakakaloko,
sarili naman ang ginagago.
Kailan lang ikaw ay masaya,
binanggit pa pati pangalan nya.
Lahat ng posts tungkol sakanya,
nasobrahan hoy, ang PDA na!
Ang inyong matamis na lambingan,
sagad hanggang umabot sa kalawakan.
Naka-tag pa kapag naghaharutan,
na-witness tuloy ng mamamayan.
Lumipas ang ilang buwan,
mukha mo'y natatabangan.
Umiiyak ka sa 'yong unan,
kasing dami ng ulan.
Sa Facebook mo'y naging single,
simpatya ng friends walang tigil.
Bakit mukhang nanggigigil,
dahilan ba'y sa iba siya naki-mingle?
Nakakatawa tulo'y malaman,
pagmamalaki'y walang kinaratnan.
Pagtapos ng inyong sarapan,
pasakit lang iyong kinahantungan.
PS:
Wala ka ng mukhang maihaharap,
sa taong nuon ikaw'y pinangarap.
Pagkakataong 'di mo nilasap,
ngayon sana'y ikaw'y nasa alapaap.
Sa takbo ng 'yong libido,
napasunod pati si kupido.
Sa tulad mong komplikado,
ikaw saakin'y naging burado.