Friday, June 24, 2011

Taghiyawat

paggising agad sumambulat,
'di pa man nakakamulat;
ng kamay kanyang sinalat,
namimintog tila Mt. Ararat.

sabi ng ilan-ilan,
ika'y sadyang natitipuhan.
kaya ka tinubuan,
hiwatig daw ng karikitan.

laban naman ng medisina,
ito daw'y namamana;
o kaya'y 'di sapat na protina,
mani't tsokolate isama na.

ginawa lahat ng paraan,
para kumpol ay mag-alisan.
ng hindi mapagtabuyan,
umabot tuloy sa tirisan.

tunay ngang nakakatamlay,
pag tumubo lahat ng sabay.
kulang na aking pag-alalay,
amorpropyo'y sasablay.